1. Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan.Nang likhain ng Dios ang tao, ginawa niya itong kawangis niya.
2. Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”
3. Nang 130 taong gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set.
4. Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
5. Namatay siya sa edad na 930.
22-24. Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng 300 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang panahong iyon, malapit ang relasyon ni Enoc sa Dios. Nasa 365 taong gulang siya nang siyaʼy nawala, dahil kinuha siya ng Dios.