Genesis 35:9-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Nang umuwi si Jacob mula sa Padan Aram, muling nagpakita ang Dios sa kanya at binasbasan siya.

10. Sinabi ng Dios sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, pero mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.

11. Sinabi pa ng Dios sa kanya, “Ako ang Makapangyarihang Dios. Magkakaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at ng marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi.

12. Ang lupain na ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa mga lahi mo.”

15. Pinangalanan niya ang lugar na iyon na Betel.

16. Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel.

17. Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”

18. Isinilang ang sanggol pero nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Ben Oni. Pero pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.

19. Namatay si Raquel at inilibing sa tabi ng daan na papunta sa Efrata (na tinatawag ngayong Betlehem).

20. Nilagyan ni Jacob ng bato ang libingan ni Raquel bilang palatandaan, at hanggang ngayon naroon pa rin ang palatandaang ito.

21. Nagpatuloy sina Jacob sa kanilang paglalakbay. Pagdating nila sa kabilang panig ng Migdal Eder, nagtayo sila roon ng mga tolda nila.

22. Habang nakatira roon sila Jacob, sumiping si Reuben kay Bilha na isa sa mga asawa ng kanyang ama. Nang malaman iyon ni Jacob, galit na galit siya.May 12 Anak na lalaki si Jacob.

23. Ang mga anak niya kay Lea ay sina Reuben na panganay, pagkatapos ay sina Simeon, Levi, Juda, Isacar at Zebulun.

24. Ang mga anak niya kay Raquel ay sina Jose at Benjamin.

25. Ang mga anak niya kay Bilha na alipin ni Raquel ay sina Dan at Naftali.

26. Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher.Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan Aram.

Genesis 35