Genesis 19:23-29 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Nakasikat na ang araw nang dumating sina Lot sa Zoar.

24. Biglang pinaulanan ng Panginoon ng naglalagablab na asupre ang Sodom at Gomora.

25. Nilipol ng Panginoon ang dalawang lungsod at ang buong kapatagan. Namatay ang lahat ng nakatira roon pati ang lahat ng tanim.

26. Lumingon ang asawa ni Lot, kaya ginawa siyang haliging asin.

27. Kinaumagahan, dali-daling pumunta si Abraham sa lugar kung saan siya nakipag-usap sa Panginoon.

28. Minasdan niya ang Sodom at Gomora, at ang buong kapatagan. Nakita niya ang usok na pumapaitaas mula sa lupa na parang usok na nagmula sa isang malaking hurno.

29. Inalala ng Dios si Abraham, nang lipulin ng Dios ang mga lungsod sa kapatagan kung saan nakatira si Lot, iniligtas niya muna si Lot para hindi ito mapahamak.

Genesis 19