Exodus 40:31-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

31. At naghugas sina Moises, Aaron at ang mga anak niyang lalaki ng mga kamay at paa nila.

32. Maghuhugas sila kapag pumapasok sa Tolda o kapag lalapit sila sa altar. Ginawa nilang lahat ito ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

33. Pagkatapos, inilagay ni Moises ang mga kurtina ng bakuran, na nakapaligid sa Tolda at altar, pati ang kurtina sa pintuan ng bakuran. At natapos ni Moises ang lahat ng gawain niya.

34. Pagkatapos ng lahat ng ito, binalot ang Toldang Tipanan ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyo ng isang ulap.

35. Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng Panginoon na nasa anyong ulap.

Exodus 40