Exodus 28:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Ito ang mga damit na tatahiin nila: ang bulsa na nasa dibdib, ang espesyal na damit, ang damit-panlabas, ang damit-panloob na binurdahan, ang turban at ang sinturon. Itatahi rin nila ng banal na mga damit ang mga anak na lalaki ni Aaron para makapaglingkod sila sa akin bilang mga pari.

5. Kailangan na pinong telang linen na may lanang kulay ginto, asul, ube at pula ang gagamitin nilang tela.

6. “Ang espesyal na damit ng mga pari ay kailangan na pinong telang linen na may lanang kulay ginto, asul, kulay ube at pula. Kailangang napakaganda ng pagkakaburda nito.

7. May dalawang parte ito, likod at harapan, at pinagdudugtong ng dalawang tirante sa may balikat.

8. Ang sinturon nito ay gawa sa pinong telang linen na binurdahan ng gintong sinulid at lanang kulay asul, ube at pula.

Exodus 28