Exodus 28:29-33-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

29. “Kung papasok si Aaron sa Banal na Lugar, kailangang suot niya ang bulsa sa dibdib na may pangalan ng mga lahi ng Israel para alalahanin ko silang palagi.

30. Ilagay sa bulsa na nasa dibdib ang ‘Urim’ at ‘Thummim’ para naroon ito sa bulsa ni Aaron kapag pupunta siya sa aking presensya para malaman ang kalooban ko para sa mga Israelita.

31. “Ang damit-panlabas na napapatungan ng espesyal na damit ay kailangang purong asul

32. at may butas sa gitna para sa ulo. At kailangang lagyan ng butas ang parang kwelyo para hindi ito mapunit.

33-34. Palagyan ang palibot ng mga laylayan nito ng mga palamuti na korteng prutas na pomegranata, na gawa sa lanang kulay asul, ube at pula. Isingit mo ang mga palamuting ito sa mga pagitan ng gintong mga kampanilya.

Exodus 28