20. Ang hilagang bahagi ng Tolda ay gagamitan din ng 20 tabla,
21. at isinuksok din sa 40 pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.
22. Ang bandang kanlurang bahagi naman ng Tolda ay ginamitan nila ng anim na tabla,
23. at dalawang tabla sa mga gilid nito.
24. Pagdugtungin ang mga tabla sa mga sulok mula sa ilalim hanggang sa itaas. Kailangang ganito rin ang gawin sa dalawang tabla sa mga gilid.
25. Kaya may walong tabla sa bahaging ito ng Tolda, at nakasuksok ito sa 16 na pundasyong pilak – dalawang pundasyon sa bawat tabla.
26. “Magpagawa ka rin ng mga akasyang biga – lima para sa bahaging hilaga ng Tolda,
27. lima rin sa bahaging timog, at lima pa rin sa bahaging kanluran sa likod ng Tolda.