24. Balutan mo ito ng purong ginto at lagyan ng hinulmang ginto ang mga paligid nito.
25. Palagyan nʼyo rin ito ng sinepa sa bawat gilid, apat na pulgada ang lapad, at palagyan ng hinulmang ginto ang sinepa.
26. Magpagawa ka rin ng apat na argolyang ginto at ikabit sa apat na sulok ng mesa,
27. malapit sa sinepa. Dito ninyo ipasok ang mga tukod na pambuhat sa mesa.
28. Dapat ay akasya ang tukod at nababalutan ng ginto.
29. “Magpagawa ka rin ng mga pinggan, tasa, banga at mga mangkok na gagamitin para sa handog na inumin. Kailangang purong ginto ang mga ito.
30. At kailangang palaging lagyan ng tinapay na inihahandog sa aking presensya ang mesang ito.