3. Tunay na minamahal ng Panginoon ang kanyang mamamayan.Pinoprotektahan niya ang mga taong kanyang pinili.Kaya siyaʼy sinusunod nila at tinutupad ang kanyang utos.
4. Ibinigay ni Moises sa ating mga lahi ni Jacob ang kautusan bilang mana.
5. Naging hari ang Panginoon ng Israel nang magtipon ang kanilang mga pinuno at ang kanilang mga angkan.”
6. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Reuben,“Sanaʼy hindi mawala ang mga lahi ni Reuben kahit kakaunti lang sila.”
7. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Juda“O Panginoon, pakinggan po ninyo ang paghingi ng tulong ng lahi ni Juda.Muli po ninyo silang isama sa ibang mga lahi ng Israel.Protektahan at tulungan ninyo sila laban sa kanilang mga kaaway.”
8. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Levi,“O Panginoon, ibinigay po ninyo ang ‘Urim’ at ‘Thummim’ sa tapat ninyong mga lingkod na lahi ni Levi.Sinubukan ninyo sila sa Masa at sinaway sa tabi ng tubig ng Meriba.
9. Nagpakita sila ng malaking katapatan sa inyo kaysa sa kanilang mga magulang, mga kapatid at mga anak.Sinunod po nila ang inyong mga utos, at iningatan ang inyong kasunduan.
10. Tuturuan nila ang mga Israelita ng inyong mga utos at tuntunin,at maghahandog sila ng insenso at mga handog na sinusunog sa inyong altar.
11. O Panginoon, pagpalain nʼyo po sila, at sanaʼy masiyahan kayo sa lahat ng kanilang ginagawa.Ibagsak po ninyo ang kanilang mga kaaway upang hindi na sila makabangon pa.”
12. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Benjamin,“Minamahal ng Panginoon ang lahi ni Benjamin,at inilalayo niya sila sa kapahamakan at pinoprotektahan sa buong araw.”
13. Sinabi ni Moises tungkol sa lahi ni Jose,“Sanaʼy pagpalain ng Panginoon ang kanilang lupain at padalhan silang lagi ng ulan at ng tubig mula sa ilalim ng lupa.
14. Sa tulong ng araw, mamunga sana nang maayos ang kanilang mga pananim at mamunga sa tamang panahon nito.
15. Sana ang kanilang sinaunang kabundukan at kaburulan ay magkaroon ng mabuti at masaganang mga bunga.
16. Umani sana ng pinakamagandang produkto ang kanilang lupa dahil sa kabutihan ng Dios na nagpahayag sa kanila sa naglalagablab na mababang punongkahoy. Manatili sana ang mga pagpapalang ito sa lahi ni Jose dahil nakakahigit siya sa kanyang mga kapatid.