15. Pinarusahan sila ng Panginoon hanggang sa mamatay silang lahat sa kampo.
16. “Nang patay na ang lahat ng sundalo,
17. sinabi sa akin ng Panginoon,
18. ‘Sa araw na ito, tumawid kayo sa hangganan ng Moab sa Ar.
19. Kapag nakarating na kayo sa mga Ammonita, na mga lahi ni Lot, huwag ninyo silang guguluhin o lulusubin dahil ibinigay ko sa kanila ang lupaing iyon, at hindi ko kayo bibigyan kahit na maliit na bahagi nito.’
20. “Ang lupaing iyon ay kilala rin noong una na lupain ng mga Refaimeo, pero tinawag silang Zamzumeo ng mga Ammonita.
21. Napakarami nila at napakalalakas, at matatangkad katulad ng mga angkan ni Anak.
22. Ito rin ang ginawa ng Panginoon sa mga lahi ni Esau na nakatira sa Seir; pinagpapatay niya ang mga Horeo para makapanirahan ang mga lahi ni Esau sa kanilang lupain. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila sa lupaing iyon.
23. Ito rin ang nangyari nang sinalakay ng taga-Caftor ang mga taga-Avim na naninirahan sa mga baryo ng Gaza. Nilipol nila ang mga taga-Avim at tinirhan ang lupain ng mga ito.