Daniel 10:3-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan sa loob ng tatlong linggo.

4. Nang ika-24 na araw ng unang buwan, nakatayo ako sa tabi ng malawak na Ilog ng Tigris.

5. May nakita ako doon na parang tao na nakadamit ng telang linen at may tali sa baywang na puro ginto.

Daniel 10