Bilang 34:7-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. “Ang hangganan sa hilaga ay magmumula sa Dagat ng Mediteraneo papunta sa Bundok ng Hor,

8. at mula sa Bundok ng Hor papunta sa Lebo Hamat. Magpapatuloy ito sa Zedad,

9. hanggang sa Zifron at magtatapos sa Hazar Enan.

10. “Ang hangganan sa silangan ay magmumula sa Hazar Enan papunta sa Shefam.

11. Pagkatapos, bababa ito papunta sa Ribla, sa bandang silangan ng Ain, at magpapatuloy ito sa mga burol sa silangan ng Lawa ng Galilea.

12. Pagkatapos, bababa ito sa Jordan at magtatapos sa Dagat na Patay.“Ito ang inyong lupain, at ang mga hangganan nito sa palibot.”

Bilang 34