Bilang 31:42-46-53 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Kaya 12,000 tao na galing sa 12 lahi ng Israel ang naghanda para sa labanan.

6. Ipinadala sila ni Moises sa labanan, 1,000 mula sa bawat lahi na pinamumunuan ni Finehas na anak ng paring si Eleazar. Nagdala si Finehas ng mga kagamitan mula sa templo at ng mga trumpeta para sa pagbibigay-babala.

7. Nakipaglaban sila sa mga Midianita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises at pinatay nila ang lahat ng lalaki.

8. Kasama sa pinatay nila ang limang hari ng Midian na sina Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba. Pinatay din nila si Balaam na anak ni Beor sa pamamagitan ng espada.

9. Binihag nila ang mga babae at mga batang Midianita, at sinamsam nila ang kanilang mga hayop at mga ari-arian.

42-46. Ito ang parte ng mga Israelita na kalahati ng ibinigay ni Moises sa mga sundalong nakipaglaban: 337,500 tupa, 36,000 baka, 30,500 asno at 16,000 dalaga.

47. Mula sa parteng ito ng Israelita, nagbukod si Moises ng isa sa bawat 50 tao o hayop ayon sa iniutos ng Panginoon sa kanya. At ibinigay niya ito sa mga Levita na siyang responsable sa pangangalaga sa tolda ng Panginoon.

48. Pagkatapos, pumunta kay Moises ang mga opisyal ng mga sundalo

49. at sinabi sa kanya, “Binilang namin ang mga sundalo na sakop namin at wala ni isa mang kulang.

50. Kaya inihahandog namin sa Panginoon ang gintong mga bagay na aming nakuha sa labanan – pulseras sa braso at kamay, mga singsing, mga hikaw at mga kwintas, para hindi kami parusahan ng Panginoon.”

51. Tinanggap nina Moises at Eleazar ang lahat ng alahas na ginto.

52. Ang bigat ng mga gintong ito na dinala ng mga opisyal ng mga sundalo na inihandog ni Moises at ni Eleazar sa Panginoon ay 200 kilo.

53. Itoʼy mula sa mga nasamsam ng bawat sundalo sa labanan.

Bilang 31