Bilang 3:28-35 Ang Salita ng Dios (ASND)

28. Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 8,600. Binigyan sila ng responsibilidad na asikasuhin ang Toldang Tipanan.

29. Ang lugar na kanilang pinagkakampuhan ay nasa bandang timog ng Toldang Sambahan.

30. At ang pinuno nila ay si Elizafan na anak ni Uziel.

31. Sila ang responsable sa pag-aasikaso ng Kahon ng Kasunduan, ang mesa ang lalagyan ng ilaw, ang altar, ang mga kagamitang ginagamit ng mga pari sa kanilang paglilingkod at ang kurtina. Sila ang responsable sa lahat ng mga gawain na may kinalaman sa mga kagamitang ito.

32. Ang pinuno ng mga Levita ay si Eleazar na anak ng paring si Aaron. Siya ang pinili na mamahala sa mga binigyan ng responsibilidad sa pag-aasikaso ng Tolda.

33. Ang mga angkan ni Merari ay ang mga pamilya na nanggaling kina Mahli at Mushi.

34. Ang bilang nila mula isang buwang gulang pataas ay 6,200.

35. Ang kanilang pinuno ay si Zuriel na anak ni Abihail. Nasa bandang hilaga ng Toldang Sambahan ang lugar na kanilang pinagkakampuhan.

Bilang 3