32. Kaya nang araw na iyon at nang sumunod pang araw, nanghuli ang mga tao ng mga pugo araw at gabi. Walang nakakuha nang bababa pa sa 30 sako at ibinilad nila ito sa palibot ng kampo.
33. Pero habang nginunguya pa nila ang karne at hindi pa nalululon ito, nagalit ang Panginoon sa kanila, at pinadalhan sila ng salot.
34. Kaya tinawag ang lugar na iyon na Kibrot Hataava dahil doon inilibing ang mga taong matatakaw sa karne.
35. Mula roon, naglakbay ang mga Israelita sa Hazerot, at doon nagkampo.