Awit 4:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Ang mga labi mo, aking magiging kabiyak ay kasintamis ng pulot. Ang dila moʼy tila may gatas at pulot. At ang damit moʼy kasimbango ng mga puno ng sedro sa Lebanon.

12. O irog ko, aking magiging kabiyak, tulad ka ng isang halamanan na may bukal at nababakuran.

13. Ang mga punoʼy namumunga ng pomegranata at iba pang mga piling bunga. Sagana ito sa halamang henna, nardo,

14. safron, kalamo at sinamon, maging ng ibaʼt ibang klase ng insenso, mira, aloe at iba pang mamahaling pabango.

Awit 4