Awit 2:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Tapos na ang panahon ng taglamig at tag-ulan.

12. Namumukadkad na ang mga bulaklak sa parang, panahon na ng pag-aawitan at maririnig na rin ang huni ng mga kalapati sa kabukiran.

13. Ang mga bunga ng igos ay hinog na at humahalimuyak ang bulaklak ng mga ubas. Halika na irog kong maganda, sa akin ay sumama ka na.”

14. Katulad moʼy kalapating nagtatago sa bitak ng malaking bato. Ipakita mo sa akin ang magandang mukha mo at iparinig din ang maamo mong tinig.

Awit 2