23. Si Joab ang kumander ng buong hukbo ng Israel. Si Benaya naman na anak ni Jehoyada ang pinuno ng personal na tagapagbantay ni David na mga Kereteo at Peleteo.
24. Si Adoniram ang namumuno sa mga alipin na sapilitang pinagtatrabaho. Si Jehoshafat na anak ni Ahilud ang tagapag-ingat ng mga kasulatan sa kaharian.
25. Si Sheva ang kalihim ng hari. Sina Zadok at Abiatar ang pinuno ng mga pari.
26. Si Ira na taga-Jair ang personal na pari ni David.