2 Cronica 4:12-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. ang dalawang haligi;ang dalawang parang mangkok na ulo ng mga haligi;ang dalawang magkadugtong na mga kadenang palamuti sa ulo ng mga haligi;

13. ang 400 palamuti na ang hugis ay parang prutas na pomegranata (nakakabit ang dalawang hilera nito sa bawat magkadugtong na mga kadenang nakapaikot sa ulo ng mga haligi);

14. ang mga kariton at mga planggana;

15. ang lalagyan ng tubig na tinatawag na Dagat at ang 12 tansong toro sa ilalim nito;

16. ang mga palayok, mga pala, malalaking tinidor para sa karne, at ang iba pang kagamitan.Ang lahat ng bagay na ipinagawa ni Haring Solomon kay Huram na para sa templo ng Panginoon ay gawa lahat sa pinakintab na tanso.

17. Ipinagawa ang mga ito ni Haring Solomon sa pamamagitan ng hulmahan na nasa kapatagan ng Jordan, sa pagitan ng Sucot at Zaretan.

2 Cronica 4