1 Timoteo 2:10-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Sa halip, magpakita sila ng mabubuting gawa na nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Dios.

11. At kung may nagtuturo, dapat tahimik na makinig ang mga babae at lubos na magpasakop.

12. Hindi ko pinahihintulutan ang mga babae na magturo o mamuno sa mga lalaki. Kailangang tumahimik lang sila.

13. Sapagkat unang nilalang si Adan bago si Eva,

14. at hindi si Adan ang nadaya, kundi si Eva ang nadaya at lumabag sa utos ng Dios.

15. Ganoon pa man, maliligtas ang mga babae sa pamamagitan ng panganganak nila, kung magpapatuloy sila sa pananampalataya, pag-ibig, kabanalan, at tamang pag-uugali.

1 Timoteo 2