19. Ang ibaʼy hindi pinababayaang makatakas ang kanilang kaaway kapag nakita na nila ito. Gantimpalaan ka sana ng Panginoon sa kabutihang ipinakita mo sa akin ngayon.
20. Tinatanggap ko na ngayon, ikaw na ang magiging hari at ang kaharian ng Israel ay magiging matatag sa ilalim ng iyong pamumuno.
21. Ngayon, mangako ka sa akin sa pangalan ng Panginoon na hindi mo papatayin ang aking angkan para hindi mawala ang pangalan ng pamilya ko.”
22. Kaya sumumpa si David kay Saul. Pagkatapos, umuwi si Saul, pero si David at ang mga tauhan niyaʼy bumalik sa pinagtataguan nila.