23. Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
24. Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul.
25. Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma.
26. Si Mishma ang ama ni Hammuel, si Hammuel ang ama ni Zacur, at si Zacur ang ama ni Shimei.
27. May 16 na anak na lalaki si Shimei at anim na anak na babae. Pero kakaunti lang ang anak ng mga kapatid niya, kaya ang buong angkan nila ay hindi kasindami ng mga mamamayan ng Juda.
28. Tumira sila sa Beersheba, Molada, Hazar, Shual,
29. Bilha, Ezem, Tolad,
30. Betuel, Horma, Ziklag,
31. Bet Marcabot, Hazar Susim, Bet Biri at Shaaraim. Ito ang mga bayan nila hanggang sa paghahari ni David.
32. Tumira rin sila sa limang bayan sa paligid nila: sa Etam, Ayin, Rimon, Token at Ashan,
33. pati na rin sa mga baryo sa paligid ng mga bayang ito hanggang sa Baalat. Ito ang mga lugar na tinirhan nila, at naitago nila ang mga talaan ng kanilang angkan. Ito ang iba pang lahi ni Simeon:
34. sina Meshobab, Jamlec, Josha na anak ni Amazia
35. Joel, Jehu na anak ni Joshibia at apo ni Seraya, na apo sa tuhod ni Asiel,
36. Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya
37. at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya.
38. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila,
39. kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa,
40. at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham.