1. Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2. Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari.
3. Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.
4. Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar.