1 Cronica 11:22-40 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. May isa pang matapang na tao na ang pangalan ay Benaya. Taga-Kabzeel siya, at ang ama niya ay si Jehoyada. Marami siyang kabayanihang ginawa, kabilang na rito ang pagpatay sa dalawang pinakamahuhusay na sundalo ng Moab. Minsan, kahit umuulan ng yelo, bumaba siya sa pinagtataguan ng leon at pinatay ito.

23. Bukod dito, pinatay niya ang isang Egipciong may taas na pitoʼt kalahating talampakan. Ang armas ng Egipcio ay sibat na mabigat at makapal, pero ang armas niyaʼy isang pamalo lang. Inagaw niya ang sibat sa Egipcio at ito rin ang ipinampatay niya rito.

24. Ito ang mga ginawa ni Benaya na anak ni Jehoyada. Naging tanyag din siya gaya ng tatlong matatapang na tao,

25. pero hindi siya kabilang sa kanila. At dahil siya ang pinakatanyag sa kanyang 30 kasama, ginawa siyang pinuno ni David ng kanyang mga personal na tagapagbantay.

26. Ito ang matatapang na kawal:si Asahel na kapatid ni Joab,si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Betlehem,

27. si Shamot na taga-Haror,si Helez na taga-Pelon,

28. si Ira na anak ni Ikkes na taga-Tekoa,si Abiezer na taga-Anatot,

29. si Sibecai na taga-Husha,si Ilai na taga-Ahoa,

30. si Maharai na taga-Netofa,si Heled na anak ni Baana na taga-Netofa,

31. si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibea, na sakop ng Benjamin,si Benaya na taga-Piraton,

32. si Hurai na nakatira malapit sa mga ilog ng Gaas,si Abiel na taga-Arba,

33. si Azmavet na taga-Baharum,si Eliaba na taga-Shaalbon,

34. ang mga anak ni Hashem na taga-Gizon,si Jonatan na anak ni Shagee na taga-Harar,

35. si Ahiam na anak ni Sacar na taga-Harar,si Elifal na anak ni Ur,

36. si Hefer na taga-Mekerat,si Ahia na taga-Pelon,

37. si Hezro na taga-Carmel,si Naarai na anak ni Ezbai,

38. si Joel na kapatid ni Natan,si Mibhar na anak ni Hagri,

39. si Zelek na taga-Ammon,si Naharai na taga-Berot, na tagapagdala ng armas ni Joab na anak ni Zeruya,

40. sina Ira at Gareb na mga taga-Jatir,

1 Cronica 11