1 Corinto 11:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kaya nga, tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.

2. Pinupuri ko kayo dahil lagi ninyo akong inaalala, at sinusunod ninyo ang mga itinuro ko sa inyo.

3. Ngayon, gusto kong malaman ninyo na si Cristo ang ulo ng bawat lalaki, at ang lalaki ang siya namang ulo ng babae, at ang Dios naman ang ulo ni Cristo.

1 Corinto 11