Ruth 4:17-22 Ang Biblia (TLAB)

17. At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David.

18. Ito nga ang mga lahi ni Phares: naging anak ni Phares si Hesron;

19. At naging anak ni Hesron si Ram, at naging anak ni Ram si Aminadab;

20. At naging anak ni Aminadab si Nahason, at naging anak ni Nahason si Salmon:

21. At naging anak ni Salmon si Booz, at naging anak ni Booz si Obed;

22. At naging anak ni Obed si Isai, at naging anak ni Isai si David.

Ruth 4