4. Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.
5. Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
6. Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.
7. At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
8. Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
9. Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
10. Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.