12. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13. Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila: Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14. Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15. Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16. Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17. At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18. Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata.
19. Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios: