Mga Taga-Roma 16:1-6 Ang Biblia (TLAB)

1. Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea:

2. Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa nararapat sa mga banal, at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo: sapagka't siya nama'y naging katulong ng marami, at ng aking sarili naman.

3. Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus,

4. Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:

5. At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo.

6. Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal sa inyo.

Mga Taga-Roma 16