10. Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa't isa ang iba;
11. Huwag mga tamad sa pagsusumikap; maningas sa espiritu; mapaglingkod sa Panginoon;
12. Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa kapighatian; magmatiyagain sa pananalangin;
13. Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal; maging mapagpatuloy.
14. Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
15. Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak.