Mga Taga-Colosas 1:15-19 Ang Biblia (TLAB)

15. Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

16. Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;

17. At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

18. At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

19. Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

Mga Taga-Colosas 1