Mga Panaghoy 4:9-18 Ang Biblia (TLAB)

9. Silang napatay ng tabak ay maigi kay sa kanila na napatay ng gutom; sapagka't ang mga ito ay nagsisihapay, na napalagpasan, dahil sa pangangailangan ng mga bunga sa parang.

10. Ang mga kamay ng mga mahabaging babae ay nangagluto ng kanilang sariling mga anak; mga naging kanilang pagkain sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.

11. Ginanap ng Panginoon ang kaniyang kapusukan, kaniyang ibinugso ang kaniyang mabangis na galit; at siya'y nagpaalab ng apoy sa Sion, na pumugnaw ng mga patibayan niyaon.

12. Ang mga hari sa lupa ay hindi nanganiwala, o ang lahat mang nananahan sa sanglibutan, na ang kaaway at kalaban ay papasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem.

13. Dahil nga sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, at sa mga kasamaan ng kaniyang mga saserdote, na nagbubo ng dugo ng mga ganap sa gitna niya.

14. Sila'y nagsisikapa sa mga lansangan na parang mga bulag, sila'y nangadudumhan ng dugo, na anopa't hindi mahipo ng mga tao ang kanilang mga suot.

15. Magsihiwalay kayo, sila'y nagsisihiyaw sa kanila, Marurumi! magsihiwalay kayo, magsihiwalay kayo, huwag ninyong hipuin: nang sila'y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa, Hindi na sila nangingibang bayan pa rito.

16. Pinangalat sila ng galit ng Panginoon; sila'y hindi na niya lilingapin pa. Hindi nila iginagalang ang mga pagkatao ng mga saserdote, hindi nila pinakukundanganan ang mga matanda.

17. Ang aming mga mata ay nangangalumata dahil sa aming paghihintay ng walang kabuluhang tulong: sa aming paghihintay ay nangaghihintay kami sa isang bansa na hindi makapagligtas.

18. Kanilang inaabangan ang aming mga hakbang, upang huwag kaming makayaon sa aming mga lansangan: ang aming wakas ay malapit na, ang aming mga kaarawan ay nangaganap; sapagka't ang aming wakas ay dumating.

Mga Panaghoy 4