18. May tatlong bagay na totoong kagilagilalas sa akin, Oo, apat na hindi ko nalalaman:
19. Ang lipad ng aguila sa hangin; ang usad ng ahas sa ibabaw ng mga bato; ang lutang ng sasakyan sa gitna ng dagat; at ang lakad ng lalake na kasama ng isang dalaga.
20. Gayon ang lakad ng mangangalunyang babae; siya'y kumakain, at nagpapahid ng kaniyang bibig, at nagsasabi, hindi ako gumawa ng kasamaan.
21. Sa tatlong bagay ay nanginginig ang lupa, at sa apat na hindi niya madala:
22. Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;
23. Sa isang babaing nakayayamot, pagka nagaasawa; at sa isang aliping babae, na nagmamana sa kaniyang panginoong babae.
24. May apat na bagay na maliit sa lupa, nguni't lubhang mga pantas:
25. Ang mga langgam ay bayang hindi matibay, gayon ma'y nagiimbak ng kanilang pagkain sa taginit;
26. Ang mga koneho ay hayop na mahina, gayon ma'y nagsisigawa sila ng kanilang mga bahay sa malalaking bato;
27. Ang mga balang ay walang hari, gayon ma'y lumalabas silang lahat na pulupulutong;
28. Ang butiki ay tumatangan ng kaniyang mga kamay, gayon ma'y nasa mga bahay ng mga hari siya.