Mga Kawikaan 26:13-16 Ang Biblia (TLAB)

13. Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.

14. Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.

15. Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.

16. Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.

Mga Kawikaan 26