Mga Kawikaan 22:4-8 Ang Biblia (TLAB)

4. Ang kagantihan sa kapakumbabaan at ang pagkatakot sa Panginoon ay kayamanan, at karangalan, at buhay.

5. Mga tinik at mga silo ay nangasa daan ng magdaraya: ang nagiingat ng kaniyang kaluluwa ay lalayo sa mga yaon.

6. Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.

7. Ang mayaman ay magpupuno sa dukha, at ang manghihiram ay alipin ng nagpapahiram.

8. Siyang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kaniyang poot ay maglilikat.

Mga Kawikaan 22