21. Bagaman ang kamay ay makikikamay, ang masamang tao ay walang pagsalang parurusahan: nguni't ang binhi ng matuwid ay maliligtas.
22. Kung paano ang hiyas na ginto sa nguso ng baboy, gayon ang magandang babae na walang bait.
23. Ang nasa ng matuwid ay buti lamang: nguni't ang hintay ng masama ay poot.
24. May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.
25. Ang kaluluwang mapagbigay ay tataba: at siyang dumidilig ay madidilig din.
26. Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon.