13. Tayo'y makakasumpong ng lahat na mahalagang pag-aari, ating pupunuin ang ating mga bahay ng samsam;
14. Ikaw ay makikipagsapalaran sa gitna namin; magkakaroon tayong lahat ng isang supot:
15. Anak ko, huwag kang lumakad sa daan na kasama nila; pigilin mo ang iyong paa sa kanilang landas:
16. Sapagka't ang kanilang mga paa ay nagsisitakbo sa kasamaan, at sila'y nangagmamadali sa pagbububo ng dugo.
17. Sapagka't walang kabuluhang naladlad ang silo, sa paningin ng alin mang ibon: