Mga Gawa 15:35-37 Ang Biblia (TLAB)

35. Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami.

36. At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.

37. At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan, na tinatawag na Marcos.

Mga Gawa 15