Mga Bilang 21:29-31 Ang Biblia (TLAB)

29. Sa aba mo, Moab! Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni Chemos: Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake, At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae, Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.

30. Aming pinana sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon, At aming iniwasak hanggang Nopha, Na umaabot hanggang Medeba.

31. Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.

Mga Bilang 21