Mga Awit 94:15-18 Ang Biblia (TLAB)

15. Sapagka't kahatulan ay babalik sa katuwiran: at susundan ng lahat na matuwid sa puso.

16. Sino ang babangon dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan? Sinong tatayo dahil sa akin laban sa mga manggagawa ng kasamaan?

17. Kundi ang Panginoon ay naging aking katulong, ang kaluluwa ko'y tumahang madali sana sa katahimikan.

18. Nang aking sabihin, Ang aking paa ay natitisod; inalalayan ako ng iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon.

Mga Awit 94