Mga Awit 89:17-21 Ang Biblia (TLAB)

17. Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan: at sa iyong lingap ay matataas ang aming sungay.

18. Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon; at ang aming hari ay sa banal ng Israel.

19. Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal, at iyong sinabi, Aking ipinagkatiwala ang saklolo sa isang makapangyarihan; Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.

20. Aking nasumpungan si David na aking lingkod; Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:

21. Na siyang itatatag ng aking kamay; palakasin naman siya ng aking bisig.

Mga Awit 89