3. Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa pagpighati ng masama; sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin, at sa galit ay inuusig nila ako.
4. Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko: at ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5. Katakutan at panginginig ay dumating sa akin, at tinakpan ako ng kakilabutan.
6. At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati! Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7. Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo, ako'y titigil sa ilang. (Selah)