5. Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan, ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6. Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri: kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7. Sapagka't ang Dios ay Hari ng buong lupa: magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8. Ang Dios ay naghahari sa mga bansa: ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9. Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan upang maging bayan ng Dios ni Abraham; sapagka't ang mga kalasag ng lupa ay ukol sa Dios; siya'y totoong bunyi.