Mga Awit 44:4-8 Ang Biblia (TLAB)

4. Ikaw ang aking Hari, Oh Dios: magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.

5. Dahil sa iyo'y itutulak namin ang aming mga kaaway: sa iyong pangalan ay yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.

6. Sapagka't hindi ako titiwala sa aking busog, ni ililigtas man ako ng aking tabak.

7. Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway, at inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.

8. Sa Dios ay naghahambog kami buong araw, at mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)

Mga Awit 44