Mga Awit 22:8-11 Ang Biblia (TLAB)

8. Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:

9. Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.

10. Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.

11. Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong.

Mga Awit 22