Mga Awit 22:2-5 Ang Biblia (TLAB)

2. Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.

3. Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.

4. Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.

5. Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.

Mga Awit 22