Mga Awit 137:1-4 Ang Biblia (TLAB)

1. Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia, doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo, nang ating maalaala ang Sion.

2. Sa mga punong sauce sa gitna niyaon ating ibinitin ang ating mga alpa.

3. Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit, at silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi: Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.

4. Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon sa ibang lupain?

Mga Awit 137