1. Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
2. Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
3. Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4. Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
5. Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.