Mga Awit 119:92-100 Ang Biblia (TLAB)

92. Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.

93. Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.

94. Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,

95. Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.

96. Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.

97. Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.

98. Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.

99. Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.

100. Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

Mga Awit 119