Mga Awit 119:53-57 Ang Biblia (TLAB)

53. Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.

54. Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.

55. Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.

56. Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.

57. Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.

Mga Awit 119